dog meat trade .com

a barbaric, insidious industry
pandemic in the Philippines
annihilating 500,000 dogs annually



home
|
facts
|
sign
|
donate
|
adopt
|
library
|
about us


Italia
France

Iligtas ang ating matalik na kaibigan laban sa kalakalan ng karne ng aso - Yes sa House Bil 2991

KAILANGAN NATIN NG 50,000 LAGDA BAGO DUMATING ANG 30 HUNYO 2007! 

Tutulong ito sa pagtatakda ng pandaigdigang presyur sa pamahalaang Pilipinas na ipasa ang House Bill 2991 sa Hulyo 2007 na nagtatakda ng pagbabawal sa pangangalakal ng karne ng aso. 

 

Maikling Kasaysayan ng Kalakalan ng Karne ng Aso

Noong unang panahon, tradisyon sa Pilipinas ang pagkakatay ng alagang aso bilang sakripisyo kung may digmaan o kapag may nasaksihang patayan ang kasapi ng pamilya. Pagliligtas ito sa anumang nakaambang panganib sa sinumang kasapi ng pamilya. Pinaniniwalaang binabantayan ng kaluluwa ng alagang aso ang kaluluwa ng mga buhay pang kasapi ng pamilya.

Sa paglipas ng panahon, pinasukan ang paniniwalang ito ng kasakiman at katiwalian kung kaya nagawang maging komersyo ang dating sagradong tradisyon at nagiging biktima na sa kasalukuyan ang walang muwang na 500,000 aso taun-taon. Kahit na maraming Pilipino ang hindi kumakain ng aso, nagaganap pa rin ang pangangalakal at pagpatay ng aso sa Baguio City at sa rehiyon ng Cordillera.

 

Ano ang umiiral na batas sa Pilipinas?

Ipinagbabawal ng Animal Welfare Act of 1998 (Section 8 of the Republic Act No. 8485) ang pagpapahirap sa mga hayop. Kung katayin man ang mga inaalagaang hayop na nakalaan sa pagkain. tinatawag na livestock, kailangang isagawa ito sa isang makataong paraan. Gayundin, nakasaad sa batas na maaring magkatay ng hayop para sa mga pangrelihiyong ritwal. Nakalulungkot na walang ngipin ang batas na ito dahil: (1) walang tahasang pagbabawal sa pangangalakal ng karne ng aso; (2) napakagaan ng mga parusa; at (3) hindi naipatutupad dahil sa katiwalian at panunuhol sa mga pulis at iba pang awtoridad.

Puhunan ng mangangalakal ng aso upang patuloy na tumubo:

  • Nagbabayad lamang ng multang mula Php 1,000 (USD 20.35) hanggang Php 5,000 (USD 100.00)
  • Mas murang magbayad ng multa kaysa sa manuhol sa pulis o higit pa ring mura kahit parehong magmulta at manuhol sa pulis
  • Multimilyong pisong (milyong dolyar) industriya ito at hindi nila iniinda ang multa habang nagnenegosyo

 

Ano ang dapat baguhin?

Hindi iniinda ng mga mangangalakal ng aso ang Animal Welfare Act kung kaya patuloy sila sa pagnenegosyo, pagkita ng pera at panunuhol sa mga opisyal at pulisya. Gayunpaman, nanatiling nakasalang sa Committee on Revision of Laws ang House Bill 2991 na siya sanang magbibigay ng mabigat na parusa sa mga mangangalakal ng aso. Isinulat ito ni Representative Francis Escudero, ibinatay ang batas sa pangangailangang mapatalas pa ito at maging marangal. Sa ganitong kalagayan, kailangang baguhin ang batas at mapataas pa ang karampatang parusa sa mga mangangalakal ng aso.

 

Ano ang maitutulong mo?

Malaki ang maitutulong ng bawat isang lalagda sa petisyon lalo na kung aabot ito sa 50,000 lagda sa 30 Hunyo 2007. Inaasahang matalakay sa Kongreso ang batas sa Hunyo 2007. Matitiyak lamang natin ng proteksyon ang mga aso sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalantad ng pamahalaan sa buong daigdig.

 

 

 

References:

Status of House Bill 2991: http://www.congress.gov.ph/bis/qry_show.php

Animal Welfare Act: http://www.dogmeattrade.com/library_articles/philippine_act.html

 

How You Can Help

Sign the petition

 

Donate to a non-profit

 

 

Adopt a pet

 


Copyright © 2007 Dog Meat Trade.com, All Rights Reserved
Privacy Policy Terms of Use Site Map